Isang OFW Sa Riyadh KSA Ang Namatay Dahil Ayaw Tangapin Sa Hospital

Nakakalungkot talaga ang makita ang isang OFW na nagdurusa mula sa ibang bansa, nais lamang nilang magbigay ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya. At nakakalungkot na malaman na may isa pang OFW na nagdusa at namatay sa ibang bansa.

Kamakailan lamang, isang video at mga serye ng mga larawan ang kumalat sa facebook ng isang OFW na tila may problema sa kanyang kalagayan. Isang concerned kabayan na nagpo-post ng sitwasyon ng OFW, ayun sakanya na-istroke daw ito at hirap gumalaw. Sinubukan nilang tumawag ng ambulansya upang ang OFW ay mailipat sa ospital, ngunit tumanggi ang mga tauhan, na sinasabi na puno na sila ng mga pasyente ng COVID19.

Makikita sa video na sya ay nakahiga na lamang sa isang tabi at tinutulungan ang kanyang sarili upang makakain. Subalit ngayon lamang lingo ay sya ay pumanaw.

Ngayon ay inaasikaso na ang mga papeles ni tatay upang makabalik ang kanyang bangkay sa pamilya.