Babae Nagpakasal Sa Patay

Isa sa mga pinakamalungkot na kasal na yata ang nangyaring ito sa Catanduanes. Si Lito Aguilar y Lopez, 33 years old, isa sa mga napatay sa engkwentro sa Baranggay, Taopon, Panganiban, Catanduanes noon lingo ng madaling araw. Siya ay kinasal pa rin sakanyang nobya kahit sya ay nasa itaul na. Kasama nito si Christopher Abraham y Clopino,, 31 taong gulang, pareho silang namatay sa operasyon ng Militar at PNP na kung saan sila ay napagkamalan na New People’s Army or NPA.

Ayun sa pamilya ng dalawang nasawi sila ay mga inosente at mga sibilyan na napagkamalan lamang New People’s Army. Ayun sa Pamilya ng mga namatay. Ang dalawang napatay ay namimingwit lamang sa mga ilog kasama pa ang tatlong kaibigan nito upang pangdagdag sa handa ng darating na kasal ni Lito. Ang dalawa ay pareho taga San Miguel, Panganiban, Catanduanes. Nakuha ang kanilang bangkay sa engkwentro kung saan sa tabi nito ay may COLT AR 15 CAL 9mm PARA w/ SN 319537 na merong magazine na may kargang pitong bala. Ayon kay Police Major Malu Calubaquib, Spokesperson ng PNP Bicol Region V. Wala pa silang nakukuhang formal complaint galing sa pamilya nito ng mga nasabing biktima. Oras na makakuha sila ng file, dun palang nila gagawin ang imbestigasyon.